53 Balete Drive
Quezon City

Sayo Cel,
Bago ang lahat ay hayaan mo munang paabutin ko sa iyo ang aking taos pusong pagpapasalamat.

Ako ay lubhang nabigla at nagulat sapagkat hindi ko akalaing sa mga sandaling iyon pala ay may isang nakaalaala pa sa akin. Kaya’t tangi sa aking pagpapasalamat ay masasabi ko tuloy na ako ay hindo mo pa nalilimot at ikaw kailanman ay hindi ko rin maaring malimot. Katulad nang nasabi ko sa nuon sa iyo na ako ang paparuon sa inyo ay ginawa ko ngunit ako ay nandiyan na ay hindi na ako nag-tuloy. Sapagkat alam kong galit ka sa akin dahilan sa ipinagtapat kong iniibig kita. Gayon pa man ang mga pangyayari ay nagpapasalamat din ako, sa iyo at nawa’y dumating ang araw na ako ay makaganti sayo. Alam kong sa liham ay hindi ka lubusan maniniwala sapagkat may nasabi ka na sa akin ng ako ay nagtapat sa iyo sa pamamagitan ng liham. Kaya’t sisikapin kong tayo ay magkausap upang ang pagpapasalamat ay masabi ko sayo ng harapan. Nawa’y magkaruon ako ng magandang pagkakataon at ng ako ay hindi mo mapagsabihan ng gayon sa sulat noon(?). Ako ay hindi nagagalit bagkus ay inaamin ko pa ngang ako ay ganoon.

Nung minsan nga pala Cel ay tinanong ko sa iyo kung ikaw ay nagaaral na ngunit hindi mo sinabi ang katotohanan. Kaya’t marahil ay malalaman ko rin.

Hanggang dito na lamang at maligayang bati sa inyo diyan. Bakasyon na naman, sumama ka nga pala sa excursion ng mga 4th year sa Wawa Dam at maligaya duon ang tanawin. Alam mo ay duon kami galing sa bayang iyon. Maraming-maraming salamat sa iyo

Yours,
Erning

Tolanes

English translation by John F.

To you, Celia,

Before anything else, I want to express my heartfelt gratitude to you.

I was flabbergasted since I didn’t expect someone to remember me. That’s why I’m thanking you; you have never forgotten about me and I will never forget you. Like what I told you before, I was already on my way to your house but I didn’t proceed. You were angry at me after I confessed my feelings for you. In spite of this, I still want to thank you and I hope the day would come when I can repay your kindness. I know you won’t believe these words since you’ve mentioned something when I confessed through my previous letter. Therefore, I will strive to meet you again so I can thank you in person. I hope I can find a good opportunity so that you won’t reprimand me again. I didn’t get mad since I’ve already admitted that I’m like this.

There was even a time when I asked if you’re still studying; however, you hid the truth. That’s why I’d know about it eventually. I’d be ending this message soon, so happy birthday to you. It’s vacation time and I remember the time when you joined the excursion of fourth-year students at Wawa Dam. The view there is joyful. I came from that place. Many thanks to you.